NBA | Hawks, wagi kontra Celtics

NBA – Hindi pinaporma ng Atlanta Hawks ang Boston Celtics matapos nila itong talunin sa kanilang laban kanina sa score na 112-106.

Ito na ang ika-26 na talo ng Celtics kung saan nananatili pa din sila sa ikalawang pwesto ng team standings ng eastern conference na may 54 na panalo.

Aminado si Celtics coach Brad Stevens na pinagpahinga niya ang kaniyang mga starters na sina Al Horford, Jayson Tatum, Jalen Brown at Terry Rozeir sa 4th quarter bilang paghahanda na din sa nalalapit na nba playoffs.


Sinabi pa ni Stevens na ayaw niyang magkaroon pa muli ng injury ang isa sa mga ito lalo na’t wala pa ang kanilang star player na si Kyrie Irving na katatapos lang ng surgery sa kaliwang tuhod at inaasahang makakalaro pa sa ‎2018-2019 season ng NBA.

Facebook Comments