NBA | Houston Rockets, babawi sa game 4 kontra Golden State Warriors

NBA – Plano ngayon ng Houston Rockets na bumawi sa game 4 kontra Golden State Warriors sa finals ng western conference sa NBA.

Nabatid na aminado si Rockets Coach Mike D’Antoni na naging malamya ang ipinakitang performance ng koponan sa game 3 na naging dahilan para matalo sila sa score na 126-85.

Maging si All-star James Harden ay inaming kinulang sa pagiging agresibo ang Houston kaya at natambakan sila ng husto.


Dahil dito, hindi mag-aaksaya ng oras ang Rockets sa game 4 kung saan sisikapin nilang itabla ang serye at hindi na nila hahayaang maulit pa ang natanggap nilang 41-point na pagkatalo.

Facebook Comments