NBA – Umiskor ng 51 points sa ikalawang sunod na laro si James Harden pero hindi pa rin naging sapat ito para mapigilang malasap ng Houston Rockets ang kanilang ikalawang sunod na talo sa NBA.
Natalo ang league-leading Rockets sa Los Angeles Clippers, 128-118 para bumaba sa 25-6 win loss slate ang kanilang record.
Si Harden ang unang NBA player mula noong 2007 na umiskor ng back-to-back 50+ points. Huling nagawa ito ni future hall of famer Kobe Bryant ng Los Angeles Lakers.
Hindi naman napigilan ni Harden ang mga game officials pagkatapos ng laro.
Pagod na raw siya sa mga walang kuwentang tawag ng mga referee.
Facebook Comments