NBA | Houston Rockets, inalat ng 5 sunod na beses

NBA – Ika-limang magkakasunod na talo, nalasap ng Houston Rockets sa Washington Wizards.

Umiskor si Otto Porter ng 26 points para padapain ng Washington Wizards ang Houston Rockets sa score na 121-103.

Dinagdagan pa ito ng tig 21 points nina Bradley Beal at Kelly Oubre para ipalasap sa Rockets ang kanilang ika-limang magkakasunod na talo.


Nadepensahan ng Wizards si NBA scoring leader James Harden na umiskor lang ng season low 20 points para sa Rockets.

Ang kakabalik lang galing injury na si Chris Paul ay nagtala ng 8 points at 6 assists sa loob ng anim na minuto.

Facebook Comments