Amerika – Umiskor ang Houston Rockets ng 50 points sa 3rd quarter ng laban para pataubin ang Minnesota Timberwolves sa iskor na 119-100 sa first round ng kanilang playoff series.
Bumida sa laban si James Harden na nagtala ng 36 points habang nag-ambag naman si Chris Paul ng 25 points para sa rockets.
Nagbagsak naman ng 22 points si Karl Anthony Towns para pangunahan ang Timberwolves.
Dahil sa panalo, hawak na ng Rockets ang 3-1 lead kung saan isang panalo nalang ang kailangan nila para umabante sa serye.
Facebook Comments