NBA | Houston Rockets, naungusan ang Golden State Warriors sa game 5 ng Western Conference Finals

Houston – Isang crucial turnover ni Draymond Green sa huling 2.4 seconds ng laro ang nagbigay sa Houston Rockets ng 98-94 na panalo kontra Golden State Warriors sa game 5 ng Western Conference Finals sa NBA.

Lamang ang Houston, 96-94 may 6.7 seconds na lang ang natitira sa laro at bola ng Golden State.

Pero hindi nagawang maiconvert ng Warriors ang possession dahil sa pagkakalat ni Green.


Matapos ang kaniyang turnover, na-foul pa nito si Eric Gordon.

Kalmado naman isinalpak ng dating three point shootout king ang dalawa nitong free throw para sa final score.

Umiskor ng team high 24 points si Gordon habang may 20 naman si Chris Paul para sa Rockets.

May 29 points naman si Kevin Durant para sa Warriors.

Facebook Comments