NBA | Houston Rockets, pasok na sa Western Conference Finals matapos talunin ang Utah Jazz sa Game 5

Houston – Sumandal ang Houston Rockets sa matikas na opensa sa 4th quarter para tapusin ang kampanya ng Utah Jazz, 112-102 sa Game 5 at umabante sa Western Conference finals ng NBA.

Umiskor ng career-playoff high 41 points si Chris Paul para sa Rockets na tinapos ang best of seven series kontra Jazz sa score na 4-1.

Ito ang unang pagsampa ni Paul sa Conference Finals sa kaniyang paglalaro sa liga.


Nag-ambag naman ng 19 points si PJ Tucker at may 18 naman si James Harden para sa Houston.

May 24 points si Donovan Mitchell habang may 22 naman si Alec Burks.

Susunod naman na makakaharap ng Houston ang mananalo naman sa showdown ng defending champion Golden State Warriors at ng New Orleans Pelicans.

Facebook Comments