NBA | Indiana Pacers Star Victor Oladipo, dismayado sa non-call ng mga referees

Cleveland – Ikinadismaya ni Indiana Pacers star Victor Oladipo ang hindi pagtawag ng mga referee ng goal tending violation sa pagsupalpal sa kaniya ni Lebron James ng Cleveland Cavaliers sa game 5 ng kanilang laban sa NBA playoffs.

Ayon kay Oladipo, kitang-kita naman sa replay ang goal tending violations ni Lebron sa huling limang segundo pero hindi na binago pa ng mga officiating referees ang desisyon.

Nang magbalik ang laro ay naka-three point game winning basket si James kaya at natapos ang laban sa score na 98-95 at lumamang ang Cavs sa serye na 3-2.


Dahil dito, magco-concentrate na lamang daw si Oladipo sa game 6 na gaganapin sa kanilang homecourt kung saan mapapanood naman ito nang alas-8:00 ng umaga ng Sabado.

Facebook Comments