NBA | Indiana Pacers tinumba ang Chicago Bulls; 96-90

Nilimitahan sa franchise low free-throw attempts ng Indiana ang Chicago para maitakas ng Pacers ang 96-90 na panalo kontra sa Bulls sa NBA.

Nakalimang free throw attempts lamang ang Chicago na isa lang ang dami sa all-time franchise low nila na apat.

Pero kahit naging madamot ng free throws sa Bulls nagawa pa rin nilang dumikit sa Pacers yung nga lang kinapos sila sa huli.


May game high 23 points si Darren Collison para sa Pacers habang nag-ambag naman ng 18 si Myles Turner.

Pinangunahan naman ni Lauri Markkanen ang Chicago sa kaniyang 21 points at 10 rebounds. May kinse puntos naman si Jrue Holiday.

Facebook Comments