NBA | Indiana Pacers, wagi kontra Cleveland Cavaliers; 121-87

NBA – Bigo ang Cleveland Cavaliers na umabante na sa 2nd round ng NBA Playoffs matapos silang lampasuhin ng Indiana Pacers sa score na 121-87.

Bumida si Victor Oladipi na naitala ang kaniyang kauna-unahang post-season triple double na 28 points, 13 rebounds, at 10 assists para ikapit sa serye ang Pacers.

Si lebron James naman ay nagtala ng 22 points para sa Cavaliers.


Gaganapin ang game 7 sa Lunes kung saan maghaharap ang dalawang koponan sa homecourt ng Cavaliers.

Facebook Comments