NBA, inilabas na ang full game schedule sa susunod na season

Sports – Inilabas na ng NBA ang full-schedule nito para sa 72nd regular season nito na magsisimula sa October 18 (Wednesday, Philipine Time)
Nasa 1,230 game ang magaganap sa pinaka-aabangang liga sa buong mundo.
Binawasan na din ang game schedule ng bawat team kung saan walang koponan ang maglalaro ng apat na beses sa limang araw.
Ito ang kauna-unahang season sa NBA history na mangyayari ang ganitong sistema kaya’t magkakaroon ng pagkakataon na makapagpahinga ang mga players sa buong regular season na tatagal ng halos anim na buwan.
Unang maghaharap sa opening game ang reigning champion Golden State Warriors laban sa Houston Rockets sa Western habang mistulang rematch naman ang eastern conference sa pagitan ng Cleveland Cavaliers ang Boston Celtics.

Facebook Comments