NBA | Isaiah Thomas, balik hardcourt na!

NBA – Kinumpirma ngayon ni Cleveland Cavaliers coach Tyron Lue na maglalaro na ang bago nilang hugot na point guard na si Isaiah Thomas.

Mapapanood ang debut game ni Thomas sa January 3 (araw sa Pilipinas) kung saan makakalaban nila ang Portland Trail Blazers.

Ayon kay Coach Lue, nakasama na ng iba niyang mga players si Thomas sa isang full-court practice at ikinatuwa nito ang mabilis niyang catch up sa mga set plays ng CAVS.


Ito ang unang beses na maglalaro si Thomas para sa CAVS makaraang makarekober sa natamo nitong hip injury sa playoffs noong nakaraang season.

Facebook Comments