NBA | Isaiah Thomas, target makapaglaro sa Enero

NBA – Good news para sa lahat ng Cleveland fans.
Kung masusunod ang schedule, makakapaglaro na sa unang linggo ng Enero si Isaiah Thomas.
Si Thomas, na kasama sa ipinalit ng Boston Celtics kay Kyrie Irving ay hindi pa nakakapaglaro sa Cleveland dahil sa injury sa kaniyang balakang.
Puwede na rin na maglaro si Thomas anumang oras pero naninigurado ito na 100 percent na siyang magaling.
Target ni Thomas na makapaglaro sa Enero a-tres kontra sa dati niyang team na Boston.

Facebook Comments