NBA | James Harden nakakuha ng suporta mula kay Kevin Durant sa MVP race ng NBA.

Amerika – Kung si Kevin Durant ng Golden State Warriors ang tatanungin kung sino ang dapat hirangin na Most Valuable Player ngayon season si James Harden dapat ang manalo.

Paliwanag ni Durant buong season kasi maganda ang ipinakita ni Harden buong season kaya naman ang Houston Rockets ang may hawak ng best record sa NBA habang papatapos na ang regular season.

Sabi pa ni Durant bagama’t maganda rin ang nilalaro ni Lebron James nitong mga nakaraang Linggo mas angat pa rin si Harden ngayong taon.


Dating magkasama sa Oklahoma City Thunder sina Durant at Harden bago ipinagpalit ng OKC ang tinaguriang “The Beard” sa Rockets.

Facebook Comments