NBA | James Harden, tiwalang siya rin ang nanalong MVP noong nakaraang season

Kung siya ang tatanungin, dapat ay dalawang Most Valuable Player award na sa NBA ang napanalunan ni Houston Rockets gunner James Harden.

Sa kaniyang pahayag matapos manalong MVP ngayon season, naniniwala si Harden na dapat siya rin ang MVP noong nakaraang season dahil wala namang pinagkaiba ang kaniyang inilaro ngayon sa nakaraang taon.

Si Harden ang NBA scoring champion sa kaniyang 30.4 points per game. Ito rin ang isa sa mga dahilan kug bakit may league best 65 wins kontra sa 17 losses ang Houston Rockets.


Natalo si Harden kay Oklahoma City Thunder superstar Russel Westbrook sa MVP race noong 2016-2017 season dahil na rin sa kaniyang record-setting triple double average kada laro.

Facebook Comments