NBA | James Harden, umiskor ng career high 60 points kontra Orlando Magic

NBA – Isang career high at NBA record ang naitala ni James Harden nang pangunahan nito ang Houston Rockets sa panalo kontra Orlando Magic, 114-107.

Si Harden ang unang player sa liga na umiskor ng triple double na may 60 points kasama ang 11 assists at 10 rebounds.

Ang 60 points ni Harden ay franchise record din ng Houston. Ito rin ang pinakamaraming puntos na nagawa ng isang player sa liga ngayon season.


Facebook Comments