NBA | Jazz, dinurog ang Spurs, 139-105

17

Pinaulanan ng tres ng Utah Jazz ang San Antonio Spurs tungo sa 139-105 na panalo sa NBA.

Rumatsada ng 20 three-pointers ang Jazz sa pangunguna nina Donovan Mitchell na may apat samantalang may tatlo naman si Kyle Korver para mawala sa hulog ang Spurs.

Tinapos ni Mitchell ang laro na may 20 points habang may 18 naman si Rudy Gobert. Nag-ambag naman ng 15 markers si Kyle Korver.

Umiskor naman ng 20 points si Jakob Poeltl habang may tig-16 naman sina DeMar DeRozan at LaMarcus Aldridge.

Sa ibang laro, nalusutan ng Dallas Mavericks ang Portland Trailblazers, 111-102.

Facebook Comments