Sports – Kahit out sa laro si Kyrie Irving dahil sa pamamaga ng tuhod nakalusot pa rin ang Boston Celtics kontra Chicago Bulls.
Sa iskor na 105-89, sumandal ang Celtics kay Jaylen Brown na kumamada ng 21 points.
Malaking tulong rin ang 14 points ni Jayson Tatum at tig-13 points nina al Horford at Terry Rozier.
Hawak ngayon ng Celtics ang 45-20 win-loss record habang may 21-42 ang Bulls.
Sa iba pang laro diniskaril ng San Antonio Spurs ang Memphis Grizzlies, 100-98 habang naiposte ng Miami Heat ang no.7 spot sa Eastern Conference matapos ilampaso ang Phoenix Suns, 125-103.
Facebook Comments