NBA | Kawhi Leonard, may go signal na para bumalik sa hardcourt; Pero ang San Antonio Spurs forward, ayaw pang maglaro

NBA – Kahit may medical clearance na para muli siyang sumabak sa aksyon, ayaw pa rin ni Kawhi Leonard na bumalik sa active roster ng San Antonio Spurs.

Hanggang ngayon kasi isyu pa rin sa pambatong forward ang quadriceps tendinopathy injury nito sa kaniyang kanang balikat.

Aminado ang Spurs na isyu sa team kung kelan babalik sa hardcourt si Leonard pero giit ng koponan hindi ito dapat maging dahilan para masira ang relasyon ng San Antonio at ng kanilang magaling na player.


Nakapagtala lamang ng siyam na laro sa ‎2017-2018 si Leonard dahil sa kaniyang injury.

Facebook Comments