NBA | Kevin Durant, balak magretiro sa edad na 35

NBA – Balak ni NBA Most Valuable Player Kevin Durant na magretiro sa paglalaro sa edad na 35.

Ayon sa 29-anyos na Golden State Warriors Star, 35 kasi ang numero ng kanyang jersey.

Pero aminado si Durant na kahit masyado pang maaga ay pinaghahandaan na rin niya ang kanyang pagreretiro.


Sa ngayon, ang inaabangan ng NBA fans ay kung mananatili pa rin sa Golden State Warriors ang back-to-back finals MVP.

Facebook Comments