NBA | Kevin Durant binuhat ang Golden State Warriors kontra Cleveland Cavaliers; 110-102

NBA – Isang dagger three-pointer ang pinakawalan ni Kevin Durant may 49.8 seconds ang nalalabi sa laro para selyuhan ang 110-102 na panalo ng Golden State Warriors kontra Cleveland Cavaliers sa game 3 ng NBA Finals.

Nagpasabog ng 43 puntos si Durant para maibigay ang 3-0 lead sa Warriors.

Naging dikitan ang laban ng dalawang team sa pay off period. Pero sa huli nangibabaw ang Golden State sa pagtutulungan nina Durant, Curry at Andre Iguodala.


Kahit sablay buong laro, naipasok naman ni Curry ang nag iisa nitong tres para mapanatili ang lamang ng Warriors.

Lamang ang Cleveland, 58-52 pagkatapos ng first half.

Pero gaya ng inaasahan, pumutok ang opensa ng Warriors sa 3rd quarter kung saan isang 15-3 run ang ibinagsak ng Golden State sa pangunguna ni Kevin Durant para makuha nila ang lamang 69-64.

Natapos ang third quarter na angat ng dalawa ang Warriors, 83-81.

Umiskor ng 33 points si LeBron James para sa Cleveland habang may 20 markers naman si Kevin Love.

Facebook Comments