NBA | Kevin Durant, mananatili sa Warriors

NBA – Mananatili sa golden state warriors si Kevin Durant.

Kinumpirma mismo ni Durant na lalagda ulit siya ng kontrata sa Warriors.

Pinag-aaralan niyang lumagda ng four-year contract sa team na posibleng umabot sa 158-million dollars ang halaga P8.3-billion.


Isa si Durant sa mga key player ng Warriors na may average points na 26.4 sa nakalipas na 68 laro.

Matatandaang siya rin ang nagdala sa panalo ng Warriors sa game 3 ng NBA finals kahapon na nakapagbuslo ng 43 points.

Facebook Comments