NBA | Kevin Durant, nagparamdam para sa Finals MVP award

Manila, Philippines – Matapos sabihin na ito ang taon na makukuha ni Stephen Curry ang Most Valuable Player Award ng 2018 NBA Finals…tila hindi papayag ang team mate nito na si Kevin Durant na maging unanimous ang pagpili ng mananalo ng parangal.

Kanina kasi umiskor ng career playoff high 43 points si Durant, kasama na ang three-pointer na sumelyo sa laro, para sabihing hindi pa tapos ang laban kung ang Finals’ MVP award ang pag uusapan.

Dahil sa magandang laro ni Durant napunan nito ang matamlay na shooting nina Curry at Klay Thompson sa game three kung saan nanalo ang Warriors, 110-102 para umangat sa 3-0 lead sa finals.


Isang panalo na lang ang kailangan ng Warriors para makumpleto ang back-to-back title run ng koponan.

Facebook Comments