NBA | Kevin Love, hindi makakalaro sa game 7 ng ECF

Hindi makakalaro sa game 7 ng eastern conference finals si Cleveland Cavaliers star Kevin Love.

Kasalukuyan kasing nakararanas ng concussion-like symptoms si Love matapos ang head-to-head collision nila i Boston Celtics star Jayson Tatum noong game 6.

Sa panig naman ng celtics, tiniyak ni Coach Brad Stevens na nasa maayos nang kondisyon si Tatum.


Kahit wala si Love sa game 7 mas matinding paghahanda pa rin daw ang gagawin ng Celtics dahil tiyak na mag mababago sa opensa ng Cavs.

Sa Boston gaganapin ang game 7 bukas sa ganap na alas 8:30 ng umaga.

Facebook Comments