NBA | Kevin Love hindi pakakawalan ng Cleveland Cavaliers

NBA – Kahit bukas na ang taunang rookie draft sa NBA, nanatiling tahimik ang Cleveland Cavaliers sa posibilidad na ipagpalit nila ang kanilang forward na si Kevin Love.

Ayon sa mga source sa liga, hindi umano pakakawalan ng Cavaliers si Love kahit ano pa ang maging desisyon ni LeBron James.

May player option kasi si James na maging free agent ngayong off season at marami ang nagsasabi na iiwan nitong muli ang Cleveland matapos silang matalo sa Finals kontra Golden State Warriors.


Maraming koponan ang nanliligaw kay James na lumipat sa kanila.

Kabilang na rito ang Los Angeles Lakers, Houston Rockets, Philadelphia 76ers at iba pa.

Dahil dito nais ng Cavaliers na manatili si Love sa koponan.

May 17.6 points at 9.3 rebounds average si Love sa 59 na regular season games nitong kakatapos na season.

Pero bumaba ang kaniyang point production sa playoffs sa 14.9 points per game para matulungan ang Cavs na makapasok sa Finals sa ikaapat na sunod na taon.

Facebook Comments