NBA | Kevin Love, malapit nang muling makapaglaro sa Cleveland Cavaliers

46

NBA – Lumaki ang posibilidad na makakabalik na sa line-up ng Cleveland Cavaliers si Kevin Love.

Sa huling check-up sa five-time All Star, nasa schedule ang paggaling ng kaliwang kamay nito na na-injured noong Enero a-trenta.

Dalawa o tatlong linggo na lamang ang kailangan na pahinga ni Love bago siya tuluyan bigyan ng go signal para maglaro.

Sa kasalukuyan, nasa ikaapat na puwesto sa Eastern Conference ang Cleveland at malaki ang maitutulong ni Love para mas lumakas ang pag-asa ng Cavaliers na makarating sa NBA Finals.

Facebook Comments