NBA | Kyle Korver ipinadala ng Cavs sa Utah Jazz

Binitiwan na ng Cleveland Cavaliers ang sharpshooter na si Kyle Korver.

Sa isang trade, mapupunta si Korver sa Utah Jazz kapalit ng beteranong si Alec Burks at dalawang future second round pick.

May 6.8 points sa kada 15.7 minutong average per game si Korver at may shooting percentage ito na 46.3 percent. Noong nakaraang season may 43.6 shooting clip si Korver mula sa tres.


Pero kahit may ibubuga pa ang 37-anyos na guwardiya, naging “expendable” ito sa Cavaliers matapos iwanan ni LeBron James ang koponan at lumipat sa Los Angeles Lakers.

Inaasahang malaki ang magagawa ni Korver para mabigyan ng scoring punch ang Utah lalo na sa three-point area. Kulelat kasi ang Jazz sa tres sa kanilang 31.9 clip mula sa rainbow territory.

Facebook Comments