NBA | Kyrie Irving mananatili sa Boston Celtics

Hindi pa man nagsisimula ang bagong season pero may plano na agad ang All-Star point guard na si Kyrie Irving.

Ayon kay Irving wala siyang balak iwanan ang Boston Celtics at tiniyak nito sa mga fans na nanood ng laro ng Boston sa TD Garden na pipirma siya ulit sa koponan pagkatapos mapaso ang kaniyang kontrata.

Ipinaalam na rin ni Irving sa management at sa may-ari ng koponan ang pagnanais nito na maging bahagi ng Boston sa matagal na panahon.


Paliwanag pa ng five-time All Star na malaking karangalan sa kaniya na maging kakampi ang mga up and coming superstar ng Celtics na gaya nina Jaylen Brown, Jayson Tatum, Al Horford at Gordon Hayward.

Nakatakdang maging free-agent si Irving sa 2019 at maugong ang mga balita na gagawin ng New York Knicks at Brooklyn Nets ang lahat para makuha ang serbisyo ng magaling na court general.

Facebook Comments