NBA | Kyrie Irving, walang sama ng loob matapos ipagamit ang jersey number 2 sa bagong rookie ng Cavs

NBA – Walang problema kay Boston Celtics Star Kyrie Irving kung ipagamit ng Cleveland Cavaliers ang jersey number 2 sa bago nilang hugot na rookie.

Ang naturang numero kasi ang jersey number ni Irving noong nasa koponan pa ito ng Cavaliers pero ipapagamit nila ito kay Rookie Collin Sexton na kanilang nakuha sa draft noong nakaraang linggo.

Ayon kay Irving, wala siyang sama ng loob at hindi din daw problema kung nais ni Sexton na gamitin ang dati niyang numero.


Sinabi naman ni Sexton na ayaw daw nitong ma-pressure sa mga expectations ng mga fans sa mga na-achive ni Irving noong naglalaro pa ito sa Cavaliers.

Facebook Comments