Muling naging agresibo ang Los Angeles Lakers sa paghahabol kay Kahwi Leonard ng San Antonio Spurs.
Base sa mga report, nagkausap na ang dalawang koponan para sa posibleng trade para mapunta sa Lakers ang disgruntled small forward ng Spurs.
Malaki kasi ang pagkakataon ng Lakers na makuha rin sa free-agency market si LeBron James ng Cleveland Cavaliers sakaling makumbinsi nila si Leonard na sa Tinseltown ito maglaro.
Sa Sabado, Manila time, malalaman kung tatanggapin ni James ang $36.5M player option nito sa Cavaliers o lalayasan nito sa ikalawang pagkakataon ang Cavaliers.
Facebook Comments