NBA | LA Lakers – pinaghahandaan na ang panliligaw kay LeBron James

Los Angeles – Naghahanda na ang Los Angeles Lakers para ligawan si Cleveland Cavaliers superstar LeBron James.

Isa ang La Lakers sa maingay na team na desididong makuha si LeBron para sa susunod na NBA season.

Kasabay nito, pinagsabihan ng La Lakers sina point guard Lonzo Ball at forward Kyle Kuzma na tigilan na ang asaran sa social media dahil baka lumala pa ito at maging problema ng team sa bandang huli.


Napansin kasi na tila nagiging personal na ang palitan ng insulto ng dalawang player.

Nais umano ng koponan na ang pagkuha kay LeBron ang maging sentro ng kanilang atensyon at hindi ang asaran nina Kuzma at Ball.

Facebook Comments