NBA | Lakers, naging maganda ang pagsalubong kay Tyson Chandler

Los Angeles – Naging maganda ang unang laro ng Tyson Chandler sa Los Angeles Lakers.

Sinalubong kasi ng kaniyang bagong koponan ang dating NBA Defensive Player of the Year ng panalo, 114-110 laban sa bumibisitang Minnesota Timberwolves.

May pagkakataon pa sanang maitala ng T-Wolves ang kanilang unang road win pero nagmintis si Derrick Rose sa kaniyang three-point attempt may 1.2 seconds ang natitira sa laro at lamang ng dalawa ang Lakers 112-110.


Naipasok naman ni Josh Hart ang dalawang free throw nito para sa final score.

Pinangunahan ni LeBron James ang Lakers sa kaniyang 24 points, 10 rebounds at 9 assists habang may tog-21 markers maman sina Hart at Kyle Kuzma.

Tinapos naman ni Rose ang laro na may 31 points at career-high seven three-pointers para sa Minnesota.

Nag-ambag naman ng 24 points si Jimmy Butler.

Facebook Comments