NBA – Tatlong koponan agad ang nagpakita ng interes para makuha ang serbisyo ni Carmelo Anthony ng Oklahoma City Thunder.
Ito ay matapos lumabas ang mga balita na aalis si Anthony sa koponan sa oras na ito ay maging free-agent.
Nangunguna na rito ang Los Angeles Lakers na patuloy pa rin sa pagpapalakas matapos makuha si LeBron James, Javale Mcgee at Rajon Rondo mula sa free-agency.
Interesado rin ang Houston kay Anthony para madagdagan pa ang scoring punch ng Rockets bukod kay MVP James Harden at Chris Paul.
Liligawan din ng Miami Heat si Anthony para naman maging contender muli sa Eastern Conference.
Facebook Comments