NBA | Lakers rookie Lonzo Ball, hindi makakapaglaro kontra OKC Thunder dahil sa injury

NBA – Nanghihinayang ngayon ang mga fans ng Los Angeles Lakers dahil sa hindi pa rin makakapaglaro ang rookie na si Lonzo Ball sa magiging laban nila bukas (Philippine time) kontra Oklahoma City Thunder.
Nabatid kasi na mag-undergo ng evaluation si Lonzo dahil sa kaniyang injury sa kaliwang balikat.
Nakuha nito ang injury sa naging laban nila sa Portland Trail Blazers noong nakaraang Disyembre 23 kung saan natalo sila sa score na 95-92.
Mismong ang strengthening coach nila na si Gunnar Peterson ang siyang nagrekomenda na ma-evaluate muna ito para hindi maging seryoso ang injury at makapaglaro na ito sa mga susunod na laban ng Lakers.

Facebook Comments