NBA | LaMarcus Aldridge, nagtala ng career-high 45 points

19

Amerika – Nagtala ng career-high 45 points si LaMarcus Aldridge para tulungan ang San Antonio Spurs maungusan ang Utah Jazz, 124-120 sa overtime ng showdown nila sa At&t Center.

Nag-ambag si Patty Mills ng 23 points para sa Spurs na naitala na ang kanilang ika-6 na sunod na panalo.

Si Donovan Mitchell naman ay nagtala ng 35 points para sa koponan ng Utah.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinalo ng Spurs sa Jazz sa loob ng apat na beses nilang paghaharap ngayong season.

Facebook Comments