NBA | LeBron James, chill pa rin kahit lamang na ang Boston Celtics ng 2-0 sa Eastern Conference Finals

35

Amerika – Kahit nabigo sa ikalawang sunod na laro, hindi nakikita kay LeBron James ang pag-papanic o pagkataranta sa kanilang bakbakan kontra Boston Celtics.

Ayon sa “The King” hindi siya mahihirapan makatulog porket lamang na ng 2-0 ang Boston sa Eastern Conference Finals.

Ang importante raw kasi ay ibinigay naman nila lahat ng kanilang makakaya sa game 2 kahit kinulang sila sa bandang huli

Kahit kasi umiskor ng triple-double si James tinambakan pa rin sila ng Celtics, 107-94.

Lilipat ang serye sa Cleveland sa Sabado kung saan tatangkain ng Cavaliers na mapigilan ang pananalasa ng Boston.

Facebook Comments