NBA | Lebron James, hindi pabor sa planong pagbabago sa format ng playoffs

NBA – Hindi pumayag si Lebron James sa planong baguhin ang format sa nalalapit na nba playoffs.

Nabatid kasi na sa katatapos na all-star, sinabi ni NBA Commissioner Adam Silver na balak na din nilang baguhin ang East-West format sa playoffs kung saan maglalaban-laban ang maiiwang 16 teams sa susunod na round.

Dahil sa hindi ganoon kalakas ang mga taga-East, may usap-usapang huwag nang ibase sa conference ang playoff seeding at sa halip, gawing batayan na lang ang kabuuang ranking sa liga sa East o West kabilang ang isang koponan.


Pero ayon kay James, wala naman siyang nakikitang probelma sa format sa playoffs at hindi din daw dahilan na maraming malalakas na team sa West kaya’t hindi siya sang-ayon sa plano.

Nabatid na pitong sunod na beses nang nakakapasok si James sa NBA finals para sa Miami Heat at Cleveland Cavaliers, kaya’t ito ang nakikitang dahilan na mas mahina ang kumpetensiya sa eastern conference kaysa west.

Facebook Comments