NBA | LeBron James, isinasantabi muna ang usapin sa pagiging free agent

NBA – Magfo-focus daw muna si Cleveland Cavaliers Superstar LeBron James na makuha ang kampeonato sa NBA bago pag-usapan ang pagiging free agent nito sa susunod na season.

Ayon kay Cavs Owner Dan Gilbert, hindi nila hahayaan na makasira sa diskarte ng kanyang team ang posibilidad ng pagiging free agent ni LeBron pagkatapos ng season ng NBA.

Saka na lamang nila pagtutuunan ng pansin ang naturang isyu pagkatapos ng NBA finals.


Matatandaan na lumutang ang isyu na ito na raw ang huling laro ng four-time league MVP na suot ang jersey ng Cavs dahil maaari kasing kumalas si James sa pinirmahan nitong kontrata na may player option para sa 2018-19 season na nagkakahalagang $35.6-milyon upang maging unrestricted free agent sa Hulyo.

Facebook Comments