NBA | LeBron James malabong maglaro para sa Golden State Warriors

NBA – Malabong lumipat sa Golden State Warriors si LeBron James.

Ito ay kung si Kevin Durant ang tatanungin.

Sa interview sa isang sikat na late night show sa Amerika, sinabi ng back-to-back NBA Finals MVP na hindi niya nakikita na mangyayari ang bagay na ito.


“I just don’t think that will happen,” ani ni Durant.

Kasama kasi ang Golden State sa mga koponan na posibleng puntahan ni James kung aalis ito sa Cleveland ngayong post season.

May option kasi si James na umalis sa Cavaliers at maging free agent bago magsimula ang 2018-2019 season.

Bukod sa Golden State, kasama rin sa mga posibleng destinasyon ni James ang Los Angeles Lakers, Los Angeles Clippers, San Antonio Spurs, Houston Rockets at Philadelphia 76ers.

Facebook Comments