NBA – Inamin ni NBA superstar LeBron James na nagsisisi siya sa pagpangalan sa kanyang 14-anyos na anak bilang LeBron James Jr.
Sabi ng Los Angeles Lakers Star, nababahala siya sa pressure na pwedeng maranasan ng kanyang anak mula sa mga basketball fan.
Tiyak kasi aniya na malaki ang expectation ng marami sa kanyang anak lalo na sa paglalaro ng basketball.
Una rito, marami ang humanga sa nakababatang LeBron dahil sa husay niya sa paglalaro gaya ni King James.
Facebook Comments