NBA | LeBron James, nais makasama sa Lakers si Carmelo Anthony

200

Purple and Gold!

Ito ang posibleng maging kulay ng uniporme ng 10-time All Star at free agent na si Carmelo Anthony sa mga susunod na araw.

Maugong kasi ang balita na nais ni LeBron James na makasama sa Los Angeles Lakers si Anthony.

Naniniwala si James na malaki ang maitutulong ng veteran presence ni Anthony sa mga batang player ng Lakers.

Bukod pa rito injured sina Rajon Rondo at Brandon Ingram.

Hindi rin napapakinabangan ng Lakers si Michael Beasley kaya kailangan talaga ng koponan ng makakatulong.

Sa kasalukuyan, walang koponan si Anthony magmula ng bitawan ito ng Houston Rockets halos isang buwan na ang nakakaraan.

Facebook Comments