NBA | LeBron James, nakapagtala na naman ng bagong record

NBA – Patuloy ang pananalasa ni Lebron “The King” James sa record book ng National Basketball Association o NBA.

Sa laro kasi ng Cleveland Cavaliers kontra sa Brooklyn Nets, si James ang kauna-unahang player sa kasaysayan ng liga na nakapagtala ng 30,000 points, 8,000 rebounds at 8,000 assists.

Bukod pa rito may triple double average pa si James para sa buwan ng Pebrero.


May 31 points, 12 rebounds at 11 assists average per game si James ngayong buwan.

Higit sa lahat panalo ang Cavaliers kontra Nets sa score na 129-123.

Facebook Comments