NBA | LeBron James, pinag-aagawan na ng apat na koponan

NBA – Lalo pang dumami ang mga koponang nag-aagawan kay Cleveland Cavaliers Star LeBron James.

Kabilang sa dumagdag ang San Antonio Spurs na balak na raw makipagpulong kay LeBron sa mga susunod na araw.

Sakaling makuha ng Spurs si James, makakasama niya sa team sina Kawhi Leonard at Dejounte Murray.


Nauna nang nagpahayag ng interes na makuha si LeBron ang Los Angeles Lakers, Houston Rockets at Philadelphia 76ers.

Facebook Comments