NBA | LeBron James, posibleng hindi na iiiwanan ang Cleveland Cavaliers sa susunod na season

Sports – Maugong ngayon sa National Basketball Association ang posibilidad na hindi na muling iiwan pa ni LeBron James ang Cleveland Cavaliers pag naging free agent na ito sa susunod na Season.

Ito ay matapos kumuha ng mga bagong player ang koponan bago ang All Star Weekend ng liga.

Ayon sa isang mataas na opisyal ng isang title contender mula sa Eastern Conference maganda ang naging kamada ng Cleveland para mabigyan ng magagaling na kakampi si James gaya nina Jordan Clarkson at Larry Nance Jr. mula sa Los Angeles Lakers.


Dahil dito balik title contender muli ang Cleveland matapos matalo ng 13 beses sa loob ng 19 na laro.

Kung magpapatuloy ang magandang laro ng Cavaliers posibleng magtagal pa sa Cleveland si James.

Facebook Comments