NBA | LeBron James sa Los Angeles Lakers na maglalaro

NBA – Good news sa mga fans ng Los Angeles Lakers!

Nakatakda kasing pumirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng $154-M si King James para maglaro sa Lakers.

Sa ulat, magiging player option ang ikaapat na taon.


Naging unrestricted free agent si James matapos nitong tanggihan ang $35.6-M option nito sa Cleveland Cavaliers at testingin ang free agency market.

Ayon naman kay Brian Windhorst ng ESPN, dalawang team lang naman talaga ang pinagpilian ni James, ang Lakers at ang Cavaliers.

Sa bandang huli, muling iniwan ni James ang Cleveland para maglaro sa Lakers.

Dahil dito, naging instant title contender ang Lakers sa pagdating ni James sa koponan.

May average na 27.5 points, 9.1 assists at 8.6 rebounds per game noong nakaraang season si James.

Facebook Comments