NBA | LeBron James, talo sa kaniyang unang laro bilang miyembro ng Los Angeles Lakers

Manila, Philippines – Hindi naging maganda ang resulta ng unang laro ni LeBron James bilang miyembro ng Los Angeles Lakers.

Hindi kasi pinaporma ng Denver Nuggets ang “new-look” Los Angeles Lakers, 124-107 sa kanilang pre-season game kanina sa Valley View Casino Center sa San Diego.

Naglaro lamang ng labing-limang minuto si James at umiskor ng 9 points, three assists at three rebounds para sa kaniyang bagong koponan.


Pinangunahan naman ni Juan Hernan Gomez ang Nuggets sa kaniyang 19 points habang may 14 points at four rebounds naman si Nikola Jokic.

Umiskor ng team high si JaVale McGee ng 19 points para maging topscorer ng Lakers.

Kahit naman natalo, marami pa rin ang natuwa sa laro ni James. May chemistry na rin kasi ang The King sa bago nitong mga kakampi.

Facebook Comments