NBA | LeBron James, wagi sa huling paghaharap nila ni Dwyane Wade

Matinding depensa ang inilatag ng Los Angeles Lakers sa dying seconds ng laro para maitakas ang 108-105 na panalo kontra Miami Heat sa NBA.

Dahil dito, na kay Lebron James ang “bragging rights” na tinalo nito sa huli nilang laro ang matalik na kaibigan na si Dwayne Wade.

Tabla kasi sa 15-all sa head to head match up sina James at Wade sa kanilang mga NBA career bago ang laro. Dahil sa panalo ng Lakers na kay James ang huling halakhak at ang lamang 16-15.


May game-high 33 points si Kyle Kuzma para sa Lakers habang tinapos ni James ang laro na may 28 points, 9 rebounds at 12 assists.

Ito ang ikalimang sunod na home win ng Lakers.

Nauwi naman sa wala ang career-high 28 points ni Justise Winslow habang may 15 naman si Wade.

Facebook Comments