NBA | Lonzo Ball, inaabangan na maglaro sa laban ng Lakers kontra Dallas Mavericks ngayong araw

NBA – Inaabangan na ngayon ang muling pagbabalik sa basketball court ni Los Angeles Lakers rookie Lonzo Ball.

Makakalaban kasi ngayon araw ng Lakers ang Dallas Mavericks kung saan inaasahan na ng mga fans na lalaro ito matapos gumaling mula sa injury sa kaliwang tuhod.

Kahapon ay sumabak na siya sa team practice pero plano ni Lakers Coach Luke Walton na limitahan lamang ang minuto ng paglalaro.


Matatandaan na Enero 13 nang ma-sideline si Ball at hindi nakapaglaro ng 15-games kaya’t bumagsak sila sa 23-24 win/loss record sa team standings sa western conference playoffs.

Facebook Comments