NBA | Lonzo Ball, susuungin ang isang malaking summer training camp

NBA – Susuungin ni Los Angeles Lakers Star Lonzo Ball ang malaking summer training camp.

Mismong ang Lakers Team President at Boxing Legend na si Magic Johnson ang nagpahiwatig kasunod na rin ng muling pagkatanggal ng koponan sa NBA Playoffs.

Ito ang inamin ni Ball sa ginanap na Los Angeles Lakers’ exit interviews.


Ayon kay Ball – sinabihan daw siya nina Johnson at Lakers GM Rob Pelinka na ang mahabang bakasyon ay magsisilbing “most crucial summer” sa kanyang buhay.

Kabilang sa misyon ng 20-anyos na Batang Lakers Star ay kailangan niyang magpalakas ng katawan at magsanay ng husto dahil na rin sa umabot sa 30 mga games ang hindi niya nailaro dahil sa dinanas na shoulder at knee injuries.

Ang 6-foot-6 second round draft pick ng lakers ay nag-a-average ng 10.2 points, 7.2 assists, 6.9 rebounds at 1.7 steals habang sa shooting ay nasa 36 percent siya sa field at nasa 30.5 percent sa three points area.

Facebook Comments