NBA | Los Angeles Lakers Guard Lonzo Ball, naging matagumpay ang operasyon sa kaliwang tuhod

Naging matagumpay ang arthroscopic surgery sa kanyang kaliwang tuhod ni Los Angeles Lakers Guard Lonzo Ball.

Ayon sa koponan, inaasahan na tuluyan nang gagaling si Ball bago mag-umpisa ang training camp sa Setyembre.

Magiging mahalaga daw ang papel ni Ball sa Lakers lalo na at kasama na sa kanilang koponan ang star player na si LeBron James.


Noong nakalipas na season, nagrehistro ng average na 10.2 points, 6.9 rebounds at 7.2 assists sa loob ng 52 laro si Ball bilang rookie.

Facebook Comments